Mga indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Chinese POGO workers, tukoy na ng NCRPO

Tukoy na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga indibidwal na sangkot sa pagpasok sa Pilipinas ng Chinese POGO workers.

Ayon kay PBGen. Jack Wanky, NCRPO Deputy Regional Director for Operations, sa ngayon hindi pa nila maisapubliko ang pangalan ng human traffickers dahil pinaplantsa pa nila ito.

Kaugnay nito, hinigpitan pa ang seguridad sa pasilidad kung saan nananatili ang mga ni-rescue na POGO workers.


Ito ay makaraang 8 Chinese nationals ang nagtangkang tumakas sa nasabing pasilidad sa Las Piñas City.

Facebook Comments