Mga kagamitan ng Philippine Coast Guard, nakahanda na rin sa halalan sa Lunes

46

Handang-handa na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa halalan sa Lunes.

Kabilang sa mga nakahanda na ang mga aluminum boats at personal watercrafts na idedeploy para sa mga election-related operations ng Commission on Elections (COMELEC).

Makikibahagi rin ang PCG personnel sa Multi-Agency Send-Off Ceremony na isasagawa sa Camp Crame, Quezon City bukas, May 4.


Kasama rin sa seremonya ang Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippines (AFP), at PNP na panungunahan ng COMELEC.

Facebook Comments