Wednesday, July 8, 2026

MGA KALSADA AT PROBLEMA SA DRAINAGE, SINURI SA DAGUPAN CITY

Ilang kalsada at drainage system sa Dagupan City ang isinailalim sa inspeksyon ngayong araw, Hulyo 8, ni Mayor Belen T. Fernandez kasama ang City Engineering Office para tignan ang kondisyon ng mga umiiral na infrastructure concerns.

Kabilang sa sinuri ang kalsada sa Sitio Patalan, Tebeng na matagal nang iniuugnay sa problema sa kondisyon ng daanan.

Ayon sa alkalde, nakatakdang maglaan ang pamahalaang lungsod ng ₱2 milyon pondo para sa pagsasaayos ng naturang kalsada.

Tiningnan din ang manhole sa Caranglaan-Tebeng Road na matagal nang napapansin ng mga residente dahil sa umano’y hindi pantay at hindi regular na alignment ng drainage structure, na tinawag ng ilan bilang “dancing drainage.”

Kasama rin sa inspeksyon ang Sitio China sa Bonuan Binloc upang suriin ang kalagayan ng bagong gawang kalsada at drainage system at masubaybayan ang pagpapatuloy ng mga kasalukuyang proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments