Wednesday, July 8, 2026

BAGONG WATER PRODUCTION PLANT SA ALAMINOS CITY, PINASINAYAAN PARA SA MAS MAAYOS NA SUPLAY NG TUBIG

Isang bagong Water Production Plant ang pormal na pinasinayaan sa Barangay Pocalpocal sa Alaminos City para mapanatili ang suplay ng tubig para ng mga residente.

Pinangunahan ang pagpapatupad ng proyekto sa pagtutulungan ng Punong Barangay at ng buong Barangay Council, katuwang ang Alaminos City Water District.

Ayon sa barangay, ang bagong pasilidad ay inaasahang mapapalakas ang kapasidad ng barangay sa produksyon at distribusyon ng tubig, gayundin ang patuloy na pagbibigay ng serbisyong pangtubig sa mga mamamayan.

Itinuturing ang proyekto bilang bahagi ng patuloy na kooperasyon ng lokal na pamahalaan, pamunuan ng barangay, at water service provider para sa pagpapabuti ng pangunahing serbisyo sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments