Pagpapatupad ng Alert Level System, dapat pa ring panatilihin – OCTA

Iginiit ng OCTA Research Group na dapat manatili ang pagpapatupad ng Alert Level System.

Ayon kay ni OCTA Research fellow Guido David, kailangan ang pag-iral ng Alert Level System sa bansa habang tayo ay nasa state of pandemic.

Aniya, ang makakapagsabi lang na wala na tayo sa state of pandemic ay ang World Health Organization (WHO).


Maliban dito, sinabi ni David na makabubuti rin na tignan ang mga datos bago ibaba ang Alert Level System gayundin ang level ng COVID-19 vaccination.

Sa kabila nito, nilinaw ni David na desisyon pa rin ng gobyerno kung aalisin na ang Alert Level System sa bansa.

Facebook Comments