
Planong i-consolidate o pagsamahin ng Sandiganbayan ang mga kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree No. 46 laban kina Senator Rodante Marcoleta at negosyanteng si Joseph Espiritu.
Sa resolusyon na inilabas ng Sandiganbayan Sixth Division, nakasaad na ito ay dahil iisa lamang ang pinagmulan ng kaso at pareho rin ang mga akusado.
Dahil dito, inaasahang pareho rin ang mga testigo at ebidensyang ihaharap sa paglilitis.
Ayon sa Anti-graft Court, makakatulong ang consolidation ng mga kaso para mapabilis ang mga pagdinig, maiwasan ang magkaibang desisyon, at maisulong ang interes ng hustisya.
Ipinaliwanag pa ng Sixth Division na ang kasong paglabag sa Presidential Decree No. 46 ay kabilang sa mga maaaring magsilbing batayan sa kasong plunder sa ilalim ng Republic Act 7080.
Nasa ibang division din ng Sandiganbayan ang kinakaharap na kasong paglabag sa PD No. 46 nina dating Rep. Mike Defensor at negosyanteng si Aristotle Viray.










