Wednesday, July 8, 2026

Testimonya ng unang testigo ng prosekusyon sa impeachment trial, hindi natibag sa cross examination ng depensa

Ikinalugod ng House prosecution panel na hindi natibag o nabutasan sa cross examination ng depensa ang testimonya ng kanilang testigo na si National Bureau of Investigation (NBI) Agent John Mark Calilung.

Sabi ni Barbers, ang pagiging consistent ni Calilung ay patunay na nagsasabi ito ng katotohanan mula ng iprisenta siyang testigo sa ikaapat na article of impeachment.

Patungkol ito sa pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, 1st Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ipinagmalaki rin ni House Prosecutor at San Juan Rep. Bel Zamora na nasagot din ni Calilung ang lahat ng tanong ng mga senator-juges patungkol sa kanyang kakayahan o training, gayundin sa imbestigasyon na kanyang isinagawa ukol sa naging pagbabanta ni VP Duterte sa pangulo at iba pang personalidad.

Facebook Comments