Mga korte sa Cebu City, balik na sa full on-site capacity

Balik na sa full on-site capacity ang Cebu City matapos ideklara dito ang Alert Level 1.

Sa direktiba ng Court of Appeals Visayas station, ang mga korte sa nasabing lugar ay mag-o-operate ng Lunes hanggang Biyernes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4a:30 ng hapon.

Obligado rin ang mga empleyado ng korte na sumailalim sa antigen testing, isang beses kada buwan.


Ang mga pagdinig naman at raffle ng mga kaso ay gagawin on-site, maliban na lamang kung may direktiba ang Presiding Justice na gawin ito sa pamamagitan ng videoconferencing.

Kailangan ding mahigpit na pairalin ang protocols sa mga hindi bakunadong kawani.

Mahigpit din ang kautusan ng Court of Appeals Visayas na ang papapasukin lamang ng court premises ay ang mga bisitang may official business.

Facebook Comments