
Ito ang hamon ng Malacañang sa mga nananawagan na sumailalim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hair follicle test dahil sa mga alegasyong paggamit ng iligal na droga.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat patunayan ng mga nagbibintang ang kanilang paratang dahil kahit saang kaso aniya, ang nag-aakusa ang dapat na maglabas ng eidensya.
Giit ni Castro, kung wala namang maipakitang konkretong ebidensya ay walang karapatan ang nagbibintang na mag-demand ng hair follicle test mula sa pangulo.
Hindi aniya tamang gumagawa ng kwento para lamang sirain ang presidente kaya kung sino man ang mga nasa likod ng mga akusasyon ay dapat na sila ang magpatunay sa kanilang mga kwentong kutsero.
Muling lumutang ang mga panawagan na magpa-hair follicle test ang pangulo matapos ituro ng isang vlogger si Atty. Harry Roque na siyang nagpakalat umano sa polvoron video.
Nauna na ring tumanggi si Pangulong Marcos Jr. sa hamong hair follicle drug test ni Atty. Vic Rodriguez noong Enero dahil ang public office daw ay katumbas ng public trust.
Pero tanong ng pangulo, bakit daw niya gagawin ang bagay na ito gayong wala itong kinalaman sa tiwala ng publiko at serbisyo publiko.