Umabot sa 14 na batang hindi pa nababakunahan ang nabigyan ng bakuna sa isinagawang mobile vaccination activity sa Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City.
Layunin ng aktibidad na maabot ang mga batang hindi nakatanggap ng bakuna at Vitamin A upang matiyak na hindi sila mapag-iiwanan sa mga serbisyong pangkalusugan.
Batay sa inilabas na ulat, 14 na missed children ang nabakunahan, habang isa naman ang naitalang Fully Immunized Child (FIC).
Layunin ng naturang inisyatiba na mailapit sa bawat purok ang mga serbisyong pagbabakuna at Vitamin A supplementation, lalo na para sa mga batang hindi nakasabay sa nakatakdang immunization schedule.
Samantala, patuloy ang panghihikayat ng Department of Health sa mga magulang at tagapag-alaga na tiyaking kumpleto ang bakuna ng kanilang mga anak upang maprotektahan ang mga ito laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










