Sa isinagawang inspeksyon sa dalawang poultry farm, natuklasang wala nang alagang manok o “karga” sa mga naturang pasilidad.
Sa isang poultry farm, kapansin-pansing malinis ang loob at labas ng mga poultry house at maayos na rin ang pagkakaipa ng pasilidad. Batay sa obserbasyon, karamihan sa mga langaw ay nasa labas lamang ng farm area, na posibleng indikasyon na may iba pang pinagmumulan nito sa paligid.
Samantala, sa isa pang poultry farm, natukoy ring maayos at malinis ang mga poultry house at wala na ring alagang manok. Gayunman, napansin ang ilang sako ng ipa na may halong dumi ng manok na hindi pa naitatapon.
Dahil dito, pinayuhan ng pamunuan ang mga operator na maglagay pa ng karagdagang fly glue traps sa paligid ng poultry houses at buong farm vicinity, panatilihin ang regular na paglilinis, magsagawa ng tamang disposal ng mga basura sa lalong madaling panahon, at takpan ang mga sako ng ipa at manure gamit ang tolda upang maiwasan ang pagdami ng langaw.
Patuloy naman ang mahigpit na koordinasyon ng lokal na pamahalaan, mga poultry operator, at mga opisyal ng barangay upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan, at kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








