Mga local leader ng transport groups, hirap malaman kung fake ang mga vaccination card ng mga pasahero

294

Pinulong na ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines ang kanilang mga local leader upang maayos na maipatupad ang ‘No Vax, No ride’ Policy sa mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay Boy Rebaño, National President ng FEJODAP, handa na ang kanilang drivers at operators na sumunod sa Department Order (DO).

Aniya, nakapaglagay na sila ng mga poster sa bawat unit at sa kanilang terminals na nagpapaalala sa ‘No vaccine, No ride’ Policy.


Tiniyak din nila na ang mga vaccinated lang na mga driver ang ide-deploy sa Lunes.

May mga itatalaga na rin silang mag-iinspeksyon sa mga dalang vaccination card ng mga pasahero.

Aminado si Rebaño na sa ngayon ay walang sapat na kaalaman ang kanilang mga driver sa pagtukoy kung original o fake ang ipakikitang vaccination card ng pasahero.



Kaya sa oras na masita sila, ipapaubaya nila sa law enforcers ang paghuli sa mga mamemeke ng vaccination card.

Facebook Comments