Patuloy na pinalalakas sa Pangasinan ang mga gawang lokal na tumutulong sa pag-usbong at pagkakakilanlan ng lalawigan.
Ayon kay Marife Acerit, Tourist Rest Area Manager, isa sa mga pinupuntahan ng mga turista sa Tourist Rest Area sa Lingayen ay ang mga produktong gawang lokal sa iba’t-ibang bayan.
Dahil sa dinarayong mga produkto, tiniyak ng tanggapan na mas napapakilala sa mga bumibisita at mga turista ang gawang lokal ng mga MSMEs (Micro, Small, and Medium Enterprises) sa lalawigan tulad ng mga pagkain at native handicrafts.
Samantala, patuloy din ang iba pang ahensya tulad ng Department of Trade and Industry Pangasinan sa pagsuporta sa mga maliliit na negosyante upang matulungan ang mga itong mapalago ang kanilang pinagkakakitaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








