Monday, June 1, 2026

PNP, nagpatupad muli ng balasahan sa apat nitong opisyal

Nagpatupad muli ng balasahan ang Philippine National Police sa kanilang hanay.

Kung saan ang nasabing designation order ay epektibo ngayong araw, June 1.

Itinalaga si PBGen Melecio Buslig J. Bilang bagong Officer-In-Charge ng Eastern Police District kung saan pinalitan niya sa nasabing pwesto si PBGen. Aden Lagradante na ginawa namang Officer-In-Charge ng Civil Security Group.

Habang, pumalit naman kay Buslig bilang bagong Deputy Regional Director for Operations ng NCRPO si Police BGen. Rodel Pastor.

Samantala, si Police Col. Martin Gamba ay ginawang Officer-In-Charge ng Office of the Chief of Regional Staff ng NCRPO.

Inaasahan naman ang patuloy na balasahan dahil may mga inaasahang magreretiro pang mga opisyal ngayong taon.

Facebook Comments