Mga lumabag sa gun ban, pumalo na sa 250

Umaabot na sa 250 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa pinaiiral na election gun ban kaugnay ng nalalapit na 2025 midterm elections.

Base sa datos ng Philippine National Police (PNP) gun ban monitoring, kabilang sa mga naaresto sa iba’t ibang checkpoint at police operations ang mga sibilyan, security guards, miyembro ng militar, appointed local officer.

Samantalang, dalawang foreign nationals din mula sa National Capital Region (NCR) at MIMAROPA ang naaresto dahil sa gun ban.


Nasa 255 na firearms ang nakumpiska na pinakamarami ay mula sa Metro Manila.

Kasunod nito muling pinaalalahanan ng pulisya ang publiko na iiral ang election gun ban hanggang June 11, 2025 kaya inaasahan ang pagsunod ng lahat sa polisiya upang hindi maharap sa kaso.

Facebook Comments