PBBM, sabik nang makatrabaho si US President Donald Trump

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay US President Donald Trump para sa opisyal na pag-upo nito bilang ika-47 pangulo ng Amerika.

Sa kaniyang opisyal na mensahe, binati rin ng pangulo ang mga mamamayan ng US para sa mapayapang paglilipat ng liderato sa kanilang halos 250 taong kasaysayan.

Ayon pa sa pangulo, inaasahan niya na maka-trabaho ang Trump administration.


Magpapatuloy lamang aniya ang malakas at matagal na alyansa ng Pilipinas at Amerika at pagtalima sa parehong vision ng pag-unlad at seguridad sa rehiyon.

Ngayong araw ay opisyal nang naupo sa puwesto si Trump bilang pangulo ng Estados Unidos matapos manalo sa nagdaan nilang eleksyon noong isang taon.

Facebook Comments