Thursday, July 9, 2026

Mga Pinoy sa Qatar, inalerto ng Philippine Embassy sa harap ng muling pagsiklab ng tensyon sa Gitnang Silangan

Inalerto ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Qatar sa harap ng panibagong pagsiklab ng tensyon sa pagitan ng US at Iran.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng embahada ang Filipino nationals na ipagpatuloy ang pag-monitor sa mga balita at regular na abangan ang advisories ng Embassy at ng local authorities.

Ayon sa Philippine Embassy, mahalaga ring paniwalaan lamang ang official government channels at mapagkakatiwalaang news sources.

Mahalaga rin anilang maging maalam, listo, mahinahon, at handa.

Facebook Comments