Monday, May 18, 2026

MGA MAGULANG AT MENTAL HEALTH ADVOCATES, NAGTIPON SA DAY 2 NG “HOPE IN ACTION” LECTURE SA DAGUPAN

Nagtipon ang mga magulang at mental health advocates sa ikalawang araw ng “Hope in Action: Parents as Advocates for Suicide Prevention” lecture na ginanap sa People’s Astrodome ngayong umaga.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga miyembro ng Maaron Ina at KATROPA, na patuloy na nagsusulong ng kamalayan sa kalusugang pangkaisipan at pagpapalakas ng papel ng mga magulang sa pag-iwas sa suicide.
Ang programa ay resulta ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, Department of Health (DOH), Region 1 Medical Center (R1MC), at DOH Treatment and Rehabilitation Center Dagupan (DTRC).
Sa nasabing lecture, binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga magulang sa pakikinig, paggabay, at pag-unawa sa kanilang mga anak, lalo na sa usapin ng mental health.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang bilang pangunahing katuwang sa pagtukoy at pagresponde sa mga suliraning pangkaisipan ng kanilang mga anak, bilang bahagi ng mas malawak na kampanya para sa mental health awareness at suicide prevention sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments