Mga magulang ng mga batang nasawi sa dengvaxia, nagkilos-protesta sa tapat ng DOJ

Nagsagawa ng kilos-protesta ngayon sa tapat ng Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ng mga batang nasawi sa matapos maturukan ng dengvaxia.

Ito’y matapos italaga si Atty. Hermogenes Andres bilang Undersecretary ng DOJ, na mangangasiwa ng National Prosecution Service (NPS) Justice Department.

Panawagan ng mga magulang ng biktima kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na palitan na si Usec. Andres na humahawak ng kanilang kaso.


Limang taon na anila silang lumalaban para sa makamit ang hustisya kung kaya’t sana ay maging patas ang pagdinig sa kaso.

Matatandaan kasing ang law firm ni Usec. Andres ang dating kumakatawan kay dating Health Secretary at ngayong Iloilo First District Rep. Janetter Garin na isa sa kinasuhan sa dengvaxia cases.

Gayunpaman, nauna nang sinabi ng DOJ at Public Attorney’s Office (PAO) na walang magiging conflict of interest sa pagitan ng kanilang panel of prosecutors.



Facebook Comments