
Nagtungo ngayong araw sa Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ni Mary Jane Veloso.
Ito ay matapos umano silang ipatawag ni Justice Secretary Eric Vida para magpulong.
Bago niyan, sinabi noong nakaraang buwan ni Vida na plano nilang makausap ang pamilya ni Mary Jane lalo na’t umaapela ang mga ito na pagbigyan ang hiling na executive clemency para sa kaanak nilang drug trafficking victim.
Layon daw nitong ipaalam sa pamilya ang mga dapat asahan at ang mga posible at makatotohanang pwedeng mangyari sa kaso ni Veloso.
Pero sinabi ng kalihim na pinag-aaralan pa ang pagbibigay ng clemency alinsunod sa umiital na batas ng Pilipinas at Indonesia.
Kasamang magtungo ng mag-asawang Celia at Cesar Veloso si NUPL President Edre Olalia.
Facebook Comments










