
Naihabol ng Senado na maratipikahan ang ilang mga mahahalagang panukalang batas bago magsara ang 19th Congress.
Kabilang sa mga naratipikahan sa plenaryo na bicameral conference committee reports ang mga sumusunod.
*Judiciary Fiscal Autonomy Bill
*Accelerated and Reformed Right-of-way Bill
*Denatured Alcohol Tax Bill
*Philippine Nuclear Energy Safety Act
*Enhanced Fiscal Regime for Large-Scale Metallic Mining bill
*Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Bill
Ang mga panukalang ito ay ipadadala sa Malakanyang para malagdaan na ng pangulo at maging ganap na batas.
Kasama rin sa pinagtibay ang mga resolusyon na kumikilala sa kontribusyon at serbisyo ng mga outgoing senators ng 19th Congress.
Facebook Comments