MAGSASAKA NA WANTED SA LUNGSOD NG ILAGAN, ARESTADO

27
Cauayan City, Isabela- Nadakip ang isa sa mga wanted person sa Lungsod ng Ilagan bandang 2:00 alas dos ng hapon kahapon sa Brgy. Sta. Victoria ng nasabing Lungsod.

Kinilala ang suspek na itago sa alyas na “Fernan”, 22-anyos, walang asawa, magsasaka, at residente rin ng nasabing barangay.

Inaresto ang suspek sa pangunguna ni PEMS Carlos Garcia sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Andrew Barcena, Presiding Judge ng RTC Branch 17, City of Ilagan.

Dinala ang naturang suspek sa Ilagan Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Nahaharap ang akusado sa kasong 6 counts ng Simple Seduction o paglabag sa Article 388 ng Revised Penal Code.

Samantala, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments