
Inanunsiyo ng transport group na Manibela na muli silang magkakasa ng tigil pasada sa susunod na linggo.
Ito ay dahil nananatiling mataas ang presyo ng petrolyo sa kabila ng katiting na rollback ng mga oil company na ipapatupad bukas.
Kaninang umaga nagkasa ng kilos protesta ang grupo sa harapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang pagdinig para sa hirit na dagdag pasahe.
Ayon kay Manibela Chairman Mar Valebuena, August 10 hanggang August 12 o Lunes hanggang Miyerkules sila titigil sa pagbiyahe.
Sabi ni Valbuena, hanggang ngayon ay hindi pa rin maaksyunan ang kanilang hiling na provisional increase dahil nasa Malacañang pa rin ang desisyon kung papayagan ito.
Nagbabala rin si Valbuena na asahan pa ang malalaking tigil pasada at kilos protesta kung hindi pagbibigyan ang kanilang hiling na fare increase.










