
Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga magulang na tumawag sa 911 kung mapapansin nilang may hindi pangkaraniwang pagbabago sa pag-uugali ng kanilang mga anak.
Nanawagan si PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga magulang na bantayang maagi ang online activites ng kanilang mga anak at sinabi na ang 911 hotline ay isa ring help line para sa nararapat na interbensyon sa overexposure ng mga kabataan sa online violence at iba pang aktibidad online.
Ang apelang ito ay kasunod ng pagbunyag ni Senator Risa Hontiveros na nagsiwalat sa umano’y posibleng “adult groomer” ng mga menor de edad na suspek sa Tacloban Shooting.
Kung saan ito ay may koneksyon umano sa isang transnational online group ng mga marahas na esktremista.
Nabatid na naunang nang nagpahayag ng suporta ang PNP sa guidance counselling program ng Department of Education (DepEd), kung saan sinabi nito na maaaring tumulong ang mga personnel ng Women and Children Protection Desk (WCPD) sa pagbibigay ng kinakailangang suporta at interbensiyon sa mga kabataan.
Ayon pa kay Nartatez dapat na magtulungan ang lahat para maprotektahan ang mga kabataan sa mga banta online at magabayan sila sa landas na magpapalakas ng kanilang karakter at makamit ang kanilang mga mithiin bilang pagasa at hinaharap ng bansa.









