Mga na-trap sa elevator sa gusali ng Atlanta Centre sa Greenhills, San Juan, nasagip na

Na-rescue na ng mga awtoridad ang lahat ng na-trap na sakay ng elevator sa gusali ng Atlanta Centre sa Greenhills, San Juan City.

Mahigit isang oras din bago nasagip ang mga sakay ng bagon.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) San Juan Fire Senior Inspector Jenny Ann Peñafiel, walang nasaktan sa insidente, bagama’t may mga nahirapang huminga, tumaas ang presyon at kinailangan bigyan ng oxygen.


Samantala, ayon naman kay BFP San Juan Senior Fire Officer 1 Clint Bangyay, kasalukuyang iniimbestigahan pa ang insidente na posibleng dahil sa overloading.

Nabatid na nasa 12 tao lamang ang kapasidad ng isang elevator.

Facebook Comments