Tuesday, May 5, 2026

AGARANG PAG-UPGRADE NG TRANSFORMER SA BARANGAY PINMALUDPOD URDANETA CITY, NAIPATUPAD MATAPOS ANG SUNOD-SUNOD NA BROWNOUT

Mabilis na naaksyunan ang suliranin sa kuryente sa Barangay Pinmaludpod matapos isagawa ang pagpapalit at pag-upgrade ng transformer sa Macaraeg Street, Zone 2, sa tulong ng PANELCO III.

Sa agarang aksyon, naibalik ang maayos, sapat, at ligtas na suplay ng kuryente sa komunidad.

Ayon sa barangay council, ang matagumpay na pagsasakatuparan ng proyekto ay patunay ng kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang maresolba ang mga suliranin sa komunidad.

Patuloy namang hinihikayat ang mga residente na makiisa sa mga programa ng barangay tungo sa mas maunlad at maayos na Barangay Pinmaludpod.

Ang inisyatibong ito ay bunga ng kahilingan ng Barangay Council upang matugunan ang sunod-sunod na nararanasang brownout ng mga residente na siyang nagpapahirap sa kanilang pang-araw-araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments