
Ilulunsad ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong umaga ang kanilang sariling Electric Shuttle Service sa pakikipagtulungan sa isang Electric Vehicle Service Company sa bansa.
Ang nasabing Electric Shuttle Service ay babiyahe mula sa pagitan ng PITX at Mall of Asia (MOA) Complex, at hihinto sa mga sumusunod na drop-off points:
• SMX
• North at South Wing ng MOA
• 2 at 4 EComm Center
• Sea, Shell, at Shore Residences Condominium
3 unit ng PITX Electric Vehicle Shuttle Service ang gagamitin para sa publiko.
Ang PITX Shuttle Service ay babiyahe tuwing Biyernes hanggang Linggo mula alas-7 ng uamaga hanggang alas-7 ng gabi.
Samantala, ang pag-biyahe tuwing weekdays ay pag-aaralan pa lamang.
Ayon sa PITX, ang shuttle service na ito ay magbibigay ginhawa at serbisyo sa mga pasahero lalo na sa mga empleyado, estudyante, at mga residente ng Pasay at Parañaque.