Mga nanalong senador, nagpahayag ng pasasalamat at pangakong pagtupad sa kanilang mga pangako noong kampanya

201

Abot-abot ang pasasalamat ng mga ipinroklamang senador na nanalo sa katatapos na eleksyon at lahat sila tiniyak na tutuparin ang mga ipinangako nitong kampanya.

Si senator elect Jinggoy Estrada ng Partido ng Masang Pilipino at Senator Joel Villanueva ay nagsabi na kanilang tututukan ang pagibibigay ng trabaho.

Sina senators elect Risa Hontiveros ng Akbayan at JV Ejercito ng Nationalist Peoples Coalition naman ay kapwa aminado na tila milagro ang pagkapanalo nila at kanilang pangako na ipaglalaban ang sambayanang Pilipino at lipunang marangal at maayos para sa lahat.


Diin naman ni Senator Win Gatchalian, patuloy niyang isusulong ang pagpapatibay sa edukasyon dahil daan ito para makalaya tayo sa kahirapan.

Tiniyak naman ni senator elect Raffy Tulfo, sa mga bomoto sa kaniya at lalo na sa mga hindi bomoto sa kanya na magsisikap siya upang patunayan na karapat-dapat siya sa senado.

Si senator elect Loren Legarda ay puspusang hahahap ng paraan para makatulong sa pag-ahon natin sa pandemya at pagharap sa krisis sa klima.



Umani naman ng papuri ang Commission on Elections (COMELEC) dahil naging matagumpay, tahimik, mabilis ang halalan, umani ng papuri ang COMELEC mula kina senators elect Senator Migz Zubiri, Alan Peter Cayetano, Mark Villar ng Nationalista Party, Win Gatchalian, Raffy Tulfo at Robin Padilla.

Hiniling naman nina senators elect Villar, Zubiri, at Chiz Escudero sa lahat na talikuran na anuman ang naging hindi pagkakaunawaan nitong nagdaang eleksyon at magkaisa upang sama-sama nating malampasan ang pandemya, kahirapana at iba pang pagsubok na hinaharap ng bansa at ang nanguna sa kanilang lahat na may pinakamaraming boto na si senator elect Robin Padilla, agad ng hiniling ang pagsuporta ng kasamahang mga mambabatas para sa isinusulong niyang reporma at pagbabago sa saligang batas upang maisakatuparan ang sagot sa mga pangunahing problema ng bansa.


Sa pagtatapos ng kanyang talumpati ay pinatawa niya ang mga audience sa pagbanggit sa linyang “it’s late in the evening, I feel wonderful tonight” na palagi niyang kinakanta noong kampanya.

Nagbigay naman ng kilig ang pagiging sweet ni senator elect Escudero sa kanyang misis na si Heart Evangelista lalo na nang halikan nila ang isa’t isa sa entablado.

Habang umani naman ng kantyaw at palakpakan ang saglit na pagyakap at pagtataas ng kamay ng isa’t isa ng magkapatid sa ama na sina senators elect Jinggoy Estrada at JV Ejercito.

Facebook Comments