Alitan sa Lupa at Problemang Pangkalusugan, Sanhi Umano ng Pagpapakamatay ng Retiradong Pulis

22
Cauayan City, Isabela- Alitan sa lupa at problemang pangkalusugan ang posible umanong dahilan ng pagpapakamatay ng isang retiradong pulis nang matagpuang duguan pasado alas-6:40 kaninang umaga, May 18, 2022 sa kanilang tahanan sa Purok 1, Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang pinaghihinalaang nagpakamatay na si Candido Enrique Mallabo, 58-anyos, may-asawa at isang retiradong pulis.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, pasado alas-7:50 ng makatanggap sila ng tawag sa telepono sa insidente ng umano’y pagpapakamatay ng isang retiradong pulis.

Agad namang rumesponde ang pulisya sa insidente at nadiskubre ang isang caliber 9mm Norinco na baril sa duguang katawan ng biktima katabi ang isang basyo ng bala.

Una rito, pasado alas-6:00 ng madiskubre ng anak ng biktima ang katawan ng kanyang ama na naliligo sa sariling dugo habang nakahandusay ito sa sahig.

Batay sa naging salaysay sa mga pulis ng asawa ng biktima na kinilalang si Angelina Mallabo, kumbinsido naman ito na ang kanyang asawa ay nagpakamatay sa pamamagitan ng direktang pagbaril sa kanyang bibig.



Nabatid na tinamaan ng Mild Stroke ang biktima at nakaranas rin umano ito ng problema sa paningin.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments