Ikakasa sa June 4 ang pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee on Automated Elections ukol sa mga naging aberya sa katatapos na halalan.
Kabilang ang pitong oras na technical glitch sa transparency server ng Comelec.
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, co-chairman ng Oversight Committee – dapat mabusisi ang mga naging pagpalya ng maraming vote counting machines, mga SD cards at iba pa.
Tanong naman ni Sen. Panfilo Ping Lacson – kung bakit kinailangan pang idaan sa transparency server ang nakagawiang simultaneous transmission of data mula sa precinct level.
Gusto ding marining ni Lacson ang paliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga SD cards na mahina ang kalidad.
Paliwanag ng Comelec, nagkaroon lang ng java error.
Pagtitiyak ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon – walang “magic” sa bilangan.
Handa rin aniya ang Comelec na ipasilip sa third party audit ang magiging resulta ng botohan.
Samantala, pananagutin din ng Comelec ang Main S1 Technologies & Silicon Valley Computer Group ang supplier ng mahigit isang-libong SD cards na pumalya noong eleksyon.