Mga nasawi dahil sa sama ng panahon dulot ng shearline, sumampa na sa 29

Umabot na sa 29 na mga indibidwal ang napaulat na nasawi dahil sa masamang panahon dulot ng naranasang shearline sa ilang rehiyon sa bansa.

Ito’y batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa 29 na nasawi, 4 dito ang kumpirmado na habang yung 25 ay patuloy pang bineberipika.


Sa mga napaulat na nasawi, 18 ang galing sa Region 10, 6 sa Region 5, 3 sa Region 8 at 2 naman sa Region 9.

Maliban dito, mayroon ding 25 na nawawala at 10 ang napaulat na nasaktan.

Facebook Comments