Monday, April 20, 2026

CONSTRUCTION WORKER NA TOP 8 MOST WANTED, ARESTADO SA SAN CARLOS CITY MATAPOS MAKUMPISKAHAN NG BARIL

Arestado ang isang 59-anyos na construction worker matapos matunton at maaresto sa San Carlos City, Pangasinan noong Abril 17, 2026.

Kinilala ang suspek na residente rin ng lungsod, na kabilang sa Top 8 Most Wanted Persons (City Level), ayon sa pulisya.

Isinagawa ang pag-aresto ng San Carlos City Police Station sa bisa ng bench warrant of arrest kaugnay ng kasong Illegal Possession of Firearm and Ammunition, na may inirerekomendang piyansa na ₱120,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang proseso at disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments