Wednesday, September 9, 2026

Tatlong Amicus Curiae (FRIENDS OF THE COURT), iimbitahan ng Senate Impeachment Court tungkol sa isyu ng voting threshold

Inaasahang tatlong amicus curiae o “friends of the court” ang iimbitahan ng impeachment court para tumulong sa pagresolba sa isyu ng voting threshold para sa paghatol kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, maaaring kabilang sa mga iimbitahan ang mga retiradong mahistrado ng Korte Suprema at iba pang legal luminaries, lalo na ang mga eksperto sa constitutional law.

Maaari aniyang ihayag ng isang amicus curiae ang kanilang pananaw na hindi na dapat bumoto ang mga senator-judge at sa halip ay hayaang ang Supreme Court ang magdesisyon sa isyu.

Hindi naman maaaring maging amicus curiae ang mga kasalukuyang mahistrado ng Supreme Court dahil posibleng umakyat sa Korte Suprema ang usapin tungkol sa voting threshold.

Dagdag ni Tongol, maaaring ilabas anumang araw ngayong linggo kung sino ang mga akicus curiae na iimbitahan ng senate impeachment court.

Sa September 16 nakatakda ang pagdinig para sa mga amicus curiae, habang sa September 23 naman isasagawa ang oral arguments ng mga partido.

Facebook Comments