Mga Pinoy top 3 sa pinakasexy sa buong mundo

438

Pasok sa top 3 ng “world sexiest nationalities” ang mga lahing Pinoy, ayon mismo sa isang international travel and food website.

Sa isinagawang survey ng Big 7 Travel, pangatlo ang Pilipinas sa listahan ng 50th sexiest nationalities sa buong mundo.

“Look, some countries are sexier than others – at least, that’s what the results of our latest survey of the sexiest nationality in the world is proving,” pahayag ng kilalang travel website.

Mula sa 1.5 million viewers and readers ng Big 7 Travel, tinanong nila kung sino sa palagay nila ang mga taong sexy.

Karamihan sa mga sinagot ng kalahok ay sina Senador Manny Pacquiao, Bruno Mars, Miss Universe titleholders Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Narito ang resulta at ranking ng top 5 world’s sexiest:

  1. Ukraine
  2. Danes
  3. Philippines
  4. Brazil
  5. Australia
Facebook Comments