MGA PROYEKTONG PANGKALUSUGAN AT IMPRASTRAKTURA SA POBLACION OESTE, DAGUPAN, TINALAKAY SA BARANGAY ASSEMBLY

Tinalakay sa Barangay Assembly sa Poblacion Oeste, Dagupan City, ang mga proyektong naglalayong mapabuti ang serbisyong pangkalusugan at imprastraktura sa barangay.

Kabilang sa mga proyektong nakalista para sa 2026 ang pagpapabuti ng barangay gym, pagtatayo ng dialysis center at maternity hospital, Juan P. Guadiz Project, at site development sa Juan P. Guadiz, West 1, at West 2, na lahat ay nasa Phase 1.

Kasama rin sa mga proyekto ang pagpapatayo ng PCC pavement at drainage sa Looban A at B, Samson Road, sa bahagi mula CSWD hanggang LTO, at Fulgencio Road.

Samantala, kabilang naman sa mga ipinanukalang proyekto para sa 2027 ang pagkuha ng rescue vehicle at pagpapatayo ng PCC pavement at drainage sa Sitio Macario at Sitio Aling.

Dumalo sa pagpupulong ang Barangay Council, Sangguniang Kabataan o SK Council, Department of the Interior and Local Government o DILG, Philippine National Police o PNP, Bureau of Fire Protection o BFP, at iba pang stakeholders.

Tinalakay din sa assembly ang kampanyang Iwas Paputok, mga serbisyo ng VAWC Desk at SafeNet, paghahanda sa epekto ng El Niño, at mga oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng sister city partnership sa Iwata, Japan.

Layunin ng mga inilahad na proyekto at programa na mapabuti ang serbisyo, mapalakas ang kaligtasan ng komunidad, at matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente ng Poblacion Oeste. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments