Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang pamamahagi ng allowance at certificates para sa mga Category B scholars para sa unang semestre ng school year 2026–2027.
Isinagawa ang unang araw ng distribusyon ng mga benepisyo ng mga iskolar, kasama ang panauhing tagapagsalita na si FO1 Francis Ramil Anthony R. Fernandez.
Kasabay nito, isinagawa rin ang orientation at registration para sa iAccess App upang mas mapadali ang pag-access ng mga iskolar sa mga digital na serbisyo ng pamahalaang lungsod.
Magpapatuloy bukas ang pamamahagi para sa ikalawang araw, bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataang Alaminian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











