
Mula sa inisyal na 120,000 itinaas na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang deployment sa 163,621.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, layon nilang makamit ang zero violence sa eleksyon sa Lunes.
Kaugnay nito, nagdadag sila ng pwersa na magkakaroon ng full mobilization simula bukas, May 8,2025.
Nilinaw naman ni Marbil na wala silang namo-monitor na banta sa eleksyon.
Samantala, mahigpit ang direktiba ni Gen. Marbil sa lahat ng police commanders na bumaba sa mga komunidad at gamitin ang lahat ng kanilang kapabilidad upang hadlangan ang anumang tangka ng kaguluhan.
Nagbabala rin ang PNP chief na sasampahan ng kaso ang sinumang pulis na mapapatunayang nagpabaya sa kanilang tungkulin ngayong halalan.
Facebook Comments