Mga pulis sa Camp Crame, nagsagawa ng prayer vigil para sa ikagagaling ni PNP Chief Gamboa at iba pang opisyal na kasama sa helicopter crash

Sama-samang nagdasal ang mga pulis sa St. Joseph Chapel sa Camp Crame para sa ikagagaling ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa at ang anim na iba pang nakasakay sa bumagsak na PNP chopper San Pedro, Laguna kaninang umaga.

Pasado alas-9:00 ng umaga kanina, isang prayer vigil ang idinaos sa simbahan. Maliban dito ay nag-alay din sila ng saglit na katahimikan.

Sa pagbagsak ng chopper sa Laperal Compound sa San Pedro Laguna, sugatan sina PNP Chief General Archie Gamboa, Director for Comptrollership Mgen Jose Victor Ramos, Director for Intelligence Mgen Mariel Magaway at PNP Spokesperson.


Sugatan rin ang mga piloto na sina Police Lieutenant Colonel Zalatar at co-pilot na si Police Lieutenant Colonel Macawili. Maging ang mag crew na sina PSMS Estona at Police Captain Gayramara na aide ni Gamboa.

Patuloy silang nagpapagaling sa ilang pribadong ospital sa CALABARZON at Taguig City.

Facebook Comments