Monday, May 18, 2026

P-pop girl group na BINI, ginawaran ng pagkilala sa Kamara

Ginawaran ng pagkilala ng House of Representatives ang P-Pop sensation na BINI dahil naiukit nito sa kasaysayan ang pagiging unang Filipinong pop group na nagpamalas ng mahusay na performance sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026.

Ginawa ang pagkilala sa BINI sa plenary session ngayong hapon sa pangunguna ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III kasama sina Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos at Negros Occidental 3rd District Rep. Javier Miguel “Javi” Benitez.

Kumpletong dumating sa kamara ang lahat ng walong miyembro ng BINI na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena.

Bawat isa sa mga miyembro ng BINI ay binigyang ng kopya ng House Resolution na pinagtibay ng buong Kamara kung saan nakasaad ang papuri sa kanilang international achievement at malaking ambag sa pagpapakilaa sa buong mundo ng kultura nating mga Pilipino.

Binigyang diin sa resolution na ang kahanga-hangang pagtatanghal ng BINI sa Coachella 2026 ay isang karangalan sa ating lahi, at patunay rin na ang talento ng mga Pilipino ay kayang makipagtagisan sa international entertainment industry.

Facebook Comments