Mga residente ng Masbate, ikinatuwa ang pagbisita ni Mayor Isko Moreno

Sa gitna mainit na sikat ng araw, dinagsa ng libo-libong residente ng lalawigan ng Masbate ang pagdating ng partido Aksyon Demokratiko na pinangungunahan ng standard bearer nito na si Mayor Isko Moreno upang personal na mabati at makamayan ang alkalde kasama ang kanyang buong partido.

Nagpapasalamat si Mayor Isko sa mga residenteng bayan ng Placer na bagaman matindi ang init ng panahon ay naglabasan upang salubungin ang Partido Aksyon Demokratiko.

Ayon sa alkalde, nakakataba ng puso na makitang masaya at excited ang mga tao sa kanilang pagdating.


Kaugnay nito, nagpapalamat si Placer town Mayor Eusebio Dumoran Jr., kay Moreno at kanilang ipinagmamalaki lalo na at napili ang kanyang bayan na isa sa mga lugar na pagdarausan ng campaign sortie ng Aksyon Demokratiko sa Bicol Region.

Aniya, silang lahat sa rehiyon ay matagal ng nag-aabang sa pagpunta ni Mayor Isko at kanyang grupo sa kanilang lugar.

Mistulang tumigil ang pag-ikot ng buong barangay upang masulyapan si Mayor Isko na karamihan na nagpapakita ng campaign shirts ng alkalde, banners at mayroon ding mga improvised poster.

Samantala, tuloy ang motorcade ng Team Isko ngayong araw sa Albay matapos magtungo sa Sorsogon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binisita ng Team Isko ang balwarte ni Vice President Leni Robredo.

Facebook Comments