Mga residente sa Bicol region, pinaalalahanan na maghanda sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng hanging habagat

Bico Region – Nagbabala ngayon ang PAGASA Southern Luzon na nakatalaga sa lungsod ng Legazpi, Albay sa mga bicolano na maging mapagmatiyag at handa.

Ito ay dahil sa nararanasang 12-oras na pag-ulan.

Partikular na ang mga residente na nasa paanan ng bundok, gilid ng malalaking ilog, tabing dagat at mga flood prone area.


Matatandaan na una nang nagbabala ang office of the civil defense na doblehin ang pagiging alerto sa anumang uri ng kalamidad.

Facebook Comments