Tuesday, June 30, 2026

Daan-daang indibidwal ang nagtipon-tipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila sa kabila ng masamang lagay ng panahon

Nagtipon-tipon ngayong umaga sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila ang daan-daang indibidwal na sinasabing kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ayon sa ilang indibidwal, simula alas-12 ng hatinggabi ay nasa Liwasang Bonifacio na sila at naghihintay na lamang kung ano ang magiging kaganapan sa nasabing freedom park.

Bagama’t pabagu-bago ang lagay ng panahon, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang paghahanda, kung saan naglagay sila ng isang malaking entablado sa tapat mismo ng Philippine Postal Corporation.

Dahil dito, nananatiling sarado ang Magallanes Drive, partikular ang bahagi sa tapat ng Philippine Postal Corporation, habang bukas naman ang daan patungong Esplanade o papasok ng Intramuros.

Nakabantay naman ang buong puwersa ng Manila Police District (MPD) sa sitwasyon, kung saan hindi naman apektado ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments