Mga sementeryo sa buong bansa, sarado na!

76

Sarado na ang lahat ng mga sementeryo at columbarium sa buong bansa ngayong araw, October 29.

Alinsunod ito sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isara ang lahat ng sementeryo simula ngayong araw hanggang sa November 4.


Bahagi ito ng pag-iingat ng gobyerno para maiwasang kumalat pa ang COVID-19.

Samantala, bumisita na kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng kanyang mga magulang sa Davao City.

Sa mga larawan na ibinahagi ni Senator Christopher “Bong” Go, makikitang nakasuot ng face mask ang Pangulo kung saan hawak ang mga lumang litrato ng kaniyang mga magulang.

Ayon kay Go, bumisita ang Pangulo bandang alas-6:00 ng hapon.




Matatandaang sa kaniyang public address noong Martes ay nanawagan ang Pangulo ng mapayapa at ligtas na paggunita sa Undas.

Facebook Comments