Isang lalaking tulak ng ilegal na droga sa Taguig City, arestado sa buy-bust operation

33

Timbog ang isang lalaking nagtutulak umano ng shabu sa lungsod ng Taguig matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya pasado alas-8:00 kagabi.

Nakilala ang suspek na si Rhyan Enghoy Nieras, 28-anyos at residente ng Barangay Katuparan ng naturang lungsod.


Nakuha mula sa kaniya ang 6.5 gramo ng umano’y shabu at may katumbas na halagang P44,200 at ang P200 na perang ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon sa Villa Light St. Barangay Hagonoy, Taguig City matapos makumpirma na nagbebenta ng ilegal na droga ang suspek.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments