MGA SENIOR CITIZEN AT BEDRIDDEN INDIVIDUALS SA SAN FERNANDO CITY, BABAKUNAHAN SA PAMAMAGITAN NG HOME SERVICE

25

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Mababakunahan kontra COVID19 ang mga residente ng San Fernando City na hindi kayang magpunta ng vaccination site gaya ng senior citizen at bedridden.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Fernando City, kung mayroong kasama sa bahay na kabilang sa A2 or A3 ay maaring irehistro ang mga ito via online dahil ang vaccinatiom team na ng lungsod ang tutungo sa mga tahanan ng mga nasabing indibidwal.

Maaring magparehistro online sa link na matatagpuan sa facebook page na San fernando city o di kaya ay makipag ugnayan sa focal person ng kada barangay upang mai-schedule ang pagtanggap ng bakuna.

Samantala, bukas ang pagbabakuna sa mga walk-ins sa para sa mga natitirang indibidwal na kabilang sa A1-Rest of the adult population sa mga vaccination site ng lungsod. | ifmnews

Facebook Comments