KANAL SA ISANG BARANGAY SA TAYUG, NILINIS DAHIL SA PAG-APAW NG TUBIG TUWING MAULAN

Nilinis ang mga kanal at drainage sa Brgy. Carriedo, Tayug, Pangasinan, bilang tugon sa pag-apaw ng tubig na nararanasan sa lugar tuwing malakas ang ulan.

‎Ayon sa lokal na pamahalaan, isinagawa ang declogging operation para alisin ang mga bara at naipong dumi na maaaring makaapekto sa daloy ng tubig.

‎Kasama ang mga kawani ng barangay sa operasyon.


‎Ang naturang mga drainage ay malaking bahagi dinadaluyan ng tubig-ulan sa barangay na natatabunan ng mga lupa at halaman sanhi ng pag-apaw nito.

‎Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa publiko na iwasang magtapon ng basura sa mga kanal at drainage para hindi maharangan ang daluyan ng tubig, lalo na sa panahon ng tag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments