Pinangunahan ng 103rd MC, RMFB1 ang operasyon na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa indibidwal na nahaharap sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code.
Ang warrant of arrest ay kaugnay ng Criminal Case No. 6019-C at inilabas noong Hulyo 28, 2026.
Binigyang-diin ng yunit ang kanilang patuloy na pagsisikap na maipatupad ang batas at matiyak na ang mga indibidwal na may umiiral na warrant ay maiharap sa nararapat na hukuman upang sumailalim sa proseso ng batas.
Patuloy namang isinusulong ng PNP Police Regional Office 1 at PNP Regional Mobile Force Battalion 1 ang pinaigting na operasyon laban sa mga wanted person bilang bahagi ng kanilang mandato na maglingkod at mangalaga sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
###













