Patuloy na naghahatid ng komprehensibong serbisyong pangkalusugan ang Team Kalusugan at Main Health Center sa Barangay Bonuan Binloc sa pamamagitan ng regular na health check-up, immunization, at iba pang programang pangkalusugan.
Sa ilalim ng National Immunization Program, nabigyan ng bakuna ang kabuuang 50 sanggol, kabilang ang isang fully immunized child (FIC) at dalawang completely immunized children (CIC). Sa pamamagitan naman ng programang Reaching Every Purok, anim na batang hindi pa nababakunahan ang naabot at nabigyan ng kinakailangang bakuna.
Nagsagawa rin ang health team ng post-partum visit para sa tatlong bagong panganak upang matiyak ang kanilang maayos na kalagayan matapos ang panganganak. Samantala, isang benepisyaryo ang nabigyan ng family planning services sa pamamagitan ng oral contraceptive pills. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










