MGA BENEPISYARYO NG LIBRENG KASAL 2026 SA ALAMINOS CITY, NAKIISA SA MANGROVE PLANTING AT COASTAL CLEAN-UP

Nakiisa ang mga benepisyaryo ng Libreng Kasal 2026 – Batch 2 sa isinagawang mangrove propagation at coastal clean-up activity sa Lucap at Bued Mangrove Eco-Park bilang bahagi ng kanilang panibagong yugto bilang mag-asawa at pagpapakita ng responsibilidad sa pangangalaga ng kalikasan.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ang aktibidad ay nagsilbing simbolo ng pasasalamat ng mga bagong kasal sa programang Libreng Kasal. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsusulong ng mga programang nakatuon sa environmental protection at sustainable development sa lungsod.

Matapos ang environmental activities, ipinamahagi sa mga benepisyaryo ang kanilang Certificate of Marriage at souvenir photos, kasunod ng isinagawang Orientation on Legitimation Activities. Napanood din ng mga dumalo ang maikling dulang “Ipa-rehistro Mo Ako,” na nagbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng tamang pagpaparehistro ng kapanganakan at pagwawasto ng mga karaniwang pagkakamali sa mga dokumento ng City Civil Registry Office.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ang pagpapalakas ng pamilya, responsableng pagkamamamayan, at pangangalaga sa kalikasan bilang mahalagang bahagi ng pag-unlad ng Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments