Arestado ang isang babaeng residente ng Barangay Barat, Umingan, Pangasinan matapos isilbi ng mga awtoridad ang isang warrant of arrest kaugnay ng kasong estafa.
Batay sa ulat ng Umingan Police Station, ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Municipal Trial Court ng Muñoz, Nueva Ecija para sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315, Paragraph 2(a) ng Revised Penal Code.
Nagtakda ang korte ng piyansang nagkakahalaga ng ₱12,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Umingan Police Station ang inarestong babae habang hinihintay ang kaukulang proseso at pagharap sa korte.
Pinaalalahanan naman ng pulisya ang publiko na ang sinumang inakusahan ng krimen ay itinuturing na inosente hanggang sa mapatunayang nagkasala sa korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










